

Mama, Papa
Palagi kayong nasa cellphone
Nababagot tuloy ako
Kaya naglalaro na lang ng monster game
Mama, Papa
Huwag n’yo sanang sabihing maingay ako
Gusto ko lang
Nasa gitna ninyong dalawa
Sumabit sa swing kahit saglit lang
Mama, Papa
Huwag na sana kayong mag-away palagi
Parang lagi na lang ganito
“Bibili lang ako sa convenience store”
Mama, Papa
Sana magbati na kayo
Mga paborito ninyong pagkain
Gutom na ako
Kahit initin lang ulit
Mama, Papa
Naalala n’yo ba ang pangako
Ang bell pepper na sobrang ayaw ko
Nakakain ko na ngayon
Mama, Papa
Huwag n’yo munang sabihin
“Carrot naman ang susunod”
Gusto ko pang sumabit sa swing
Pero malaki na ako
Mama, Papa
Kapag tumanda na ako
Hindi na ako magiging mapili sa pagkain
Hindi na ako batang iyakin
Mama, Papa
Kung sakaling mahirapan kayo balang araw
Pwede akong maging kausap ninyo
Kaya… kaya ngayon lang muna
Pakiusap, pakinggan n’yo ako
Gusto kong lagi kayong magkasundo
Mahal na mahal ko kayo
- Lyricist
Akihiro
- Composer
Tone Tsukitani
- Producer
Tone Tsukitani
- Adapter
KANON
- Ensemble
Tone Tsukitani
- Programming
Tone Tsukitani

Listen to berdeng sili (LANI VER.) by Tone Tsukitani
Streaming / Download
- ⚫︎
berdeng sili (LANI VER.)
Tone Tsukitani



